CJ POLITICS

TRABAHO PARTYLIST, MAY SOLUSYON LABAN SA PANLOLOKO SA OFWs


TRABAHO PARTYLIST, MAY SOLUSYON LABAN SA PANLOLOKO SA OFWs
Sa gitna ng kamakailang repatriation ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) na nabiktima ng job scam sa Cambodia, nanawagan ang TRABAHO Partylist ng mas pinaigting na hakbang upang makalikha ng matatag at disenteng trabaho sa loob ng bansa.

Ayon sa grupo, mahalagang magkaroon ng sapat at de-kalidad na oportunidad sa hanapbuhay dito sa Pilipinas upang hindi na mapilitang mangibang-bansa ang mga kababayan sa alanganing trabaho.

Ibinahagi ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “living wage” o sahod na hindi lamang sapat para sa araw-araw na pangangailangan kundi para rin sa mga long-term needs ng mga pamilya tulad ng pagpapatayo ng kanilang mga tahanan.

Aniya, wala talagang mapupundar ang mga Pilipino kung kakarampot lamang ang sahod.

Bilang tugon, suportado ng TRABAHO Partylist ang mga kamakailang pag-apruba ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa dagdag-sahod na makikinabang ang halos limang milyong minimum wage earners sa buong bansa.

Hinikayat din nila ang pamahalaan at pribadong sektor na tiyaking maayos ang pagpapatupad ng mga bagong wage orders.

Bukod sa dagdag-sahod, isinusulong din ng TRABAHO na ipatupad para sa lahat ang mga non-wage benefits tulad ng healthcare, bayad na leave, tulong sa childcare, subsidiya sa transportasyon, at retirement plans.

Anila, makikinabang rin ang mga negosyo sa iba’t ibang industriya dahil gaganda ang kanilang human resource retention.

Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng TRABAHO Partylist na itaas ang kalidad ng buhay ng mga manggagawang Pilipino.

Patuloy nilang isinusulong ang mga polisiya para sa entrepreneurship, paglikha ng trabaho, at suporta sa mga pangunahing industriya, bilang tugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.

Layunin ng TRABAHO Partylist na paramihin at pagandahin ang kalidad ng mga trabaho sa loob ng bansa upang hindi na kailangang isugal ng mga OFW ang kanilang kaligtasan at kinabukasan sa ibang bansa.(CJ/TRABAHO Party List)

- Calbayog Journal, April 27, 2025


-, April 27, 2025




The Calbayog Journal (also known as CJ)
is an on-line news service covering Eastern Visayas area.
CJ aims to offer unbiased coverage of the people and events in Eastern Visayas.



(c) 2015 - 2019