CJ POLITICS

106 TRABAHO PARTYLIST, SUPORTADO AND PINABABANG INTEREST SA CALAMITY LOAN


Ipinahayag ng 106 TRABAHO Partylist nitong Miyerkules ang kanilang buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang interest rate sa calamity loans ng Social Security System (SSS).

Alinsunod sa utos ng Pangulo, babawasan ng SSS ang interest rates sa mga calamity loan upang agad na matulungan ang mga manggagawang nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng gastusin.

Ayon sa 106 TRABAHO, ang pagpababa ng mga interest sa calamity loan ay isang mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga kasalukuyang naapektuhan ng mga pagputok at pag-alburoto ng mga bulking Bulusan at Kanlaon.
106 TRABAHO PARTYLIST, SUPORTADO AND PINABABANG INTEREST SA CALAMITY LOAN
Tinawag ni 106 TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang naturang polisiya bilang isang "people-centered reform”, na tugma sa adbokasiya ng partido para sa makabuluhan, inklusibo, at pangmatagalang trabaho at seguridad sa lipunan para sa lahat.

“Direktang tinutugunan ng inisyatibang ito ang isa sa mga pangunahing suliranin ng ating mga manggagawa: ang mabigat na bayarin sa mga utang,” pahayag ng tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist.

Ang kautusan ni Pangulong Marcos ay tumutugma rin sa layunin ng 106 TRABAHO na wakasan ang “in-work poverty”, ang kalagayan kung saan kahit may trabaho, nananatiling kapos sa kita ang manggagawa dahil sa mababang sahod at mataas na gastos sa pamumuhay.

Muling iginiit ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, na magsusulong sila ng mga reporma na hindi lamang limitado sa pagpapataas ng mga sweldo.

Saklaw ng adbokasiya ng 106 TRABAHO na mapaganda ang health care benefits, working conditions, at training programs para sa lahat ng Pilipinong mangaggawa at mga senior citizen at pwd na gustong magtrabaho.(CJ/TRABAHO Press Release)

- Calbayog Journal, May 8, 2025


-, May 8, 2025




The Calbayog Journal (also known as CJ)
is an on-line news service covering Eastern Visayas area.
CJ aims to offer unbiased coverage of the people and events in Eastern Visayas.



(c) 2015 - 2019