Umapela ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga mambabatas magsulong rin ng mga proteksyon, insentibo, at institusyonal na suporta sa lumalaking sektor ng freelance workers sa bansa, imbis na pinapatawan sila ng karagdagang buwis na makakaapekto sa mga online gig workers.
Ito ay matapos marepaso ang implementing rules and regulations para sa implementasyon ng Republic Act No. 12023, o ang Value-Added Tax on Digital Services Law.
Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, kinakailangan ang agarang pagpapatupad ng mga patakarang kikilala sa mahalagang kontribusyon ng freelancers, lalo na sa digital at remote work sectors.

“Ang mga freelancer ay nagsusumikap na umuunlad kahit walang pormal na suporta. Sa halip na buwisan ang mga Pilipinong digital service providers, dapat tayong lumikha ng mga polisiya na magpapalakas at poprotekta sa kanila,” ani Espiritu.
Maraming freelancer ang umaasa sa mga serbisyo gaya ng Upwork, Fiverr, TaskUs, PayPal, at Google Workspace sa kanilang araw-araw na trabaho.
Nabahala ang ilan na posibleng tumaas ang singil sa serbisyo o kaya'y malimitahan ang kanilang access sa mga ito dahil sa bagong buwis.
Sa panayam ng 106 TRABAHO kay EJ Gonzales na isang freelance artist sa isang digital platform at sumiside-line rin bilang host at performer, maliban sa kawalan ng benepisyo, nilitanya nito kawalan ng awtoridad na mapagsusumbungan sa mga katiwalian sa kontrata para sa mga digital service provider na gaya niya.
“Parang wala akong alam na may available for us. Kaya minsan nakakainggit actually yung mga nagtatrabaho sa corporate. Meron silang HMO, allowance, secured na kinikita every month. Wala kaming mga ganon na benefits,” pagbabahagi ni Gonzales.
Sa kasalukuyan, marami ang nagtatrabaho nang walang kontrata, na nagdudulot ng problema tulad ng delayed payments at kakulangan ng legal recourse para sa mga freelancers.
Para sa 106 TRABAHO, ang dapat na isinusulong para sa mga freelancers ay tax incentives, internet connectivity infrastructure, social security benefits, at grievance mechanisms laban sa mga manlolokong contract employer, at anti-labor policies ng digital platforms.(CJ/TRABAHO Party List)
- Calbayog Journal, May 9, 2025