Ang TRABAHO (bilang 106 sa balota) ay may malaking posibilidad na makapuwesto bilang party list sa kamara ayon sa survey ng Pulse Asia Research, Inc. na inilabas ngayong araw, isang linggo bago ang nakatakdang halalan sa Mayo 12, 2025.
Batay sa survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang Abril 24, lumakas pa lalo ang hatak sa publiko ng 106 TRABAHO Partylist na umakyat sa ika-25 pwesto mula sa ika-29 noong Marso.
Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey.
Ito raw ay resulta ng malinaw na plataporma ng 106 TRABAHO, at ng kanilang taos-pusong representasyon sa mga manggagawa na kitang-kita sa kanilang mga isinagawang grassroots campaign pati sa mga liblib na komunidad.