Tuesday, July 7, 2026 · 11:06:41 AM · Calbayog 30°C · 🌤 partly cloudy · humidity 75%
· E-paper · Classifieds · CJ Catalogue · 0 saved
ONLINE EDITION
EST. 2014

The Calbayog Journal

The leader in online news reporting in Calbayog City, Samar

Top 5 sa Mindanao ang 106 Trabaho Partylist -WR Numero Survey

Top 5 sa Mindanao ang 106 Trabaho Partylist -WR Numero Survey
Top 5 sa Mindanao ang 106 Trabaho Partylist -WR Numero Survey

Namayagpag sa Mindanao ang 106 TRABAHO Partylist kung saan ito ay itinanghal na top 5 partylist ayon sa pinakahuling Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na isinagawa ng WR Numero Research (WRN).

Sa datos ng COMELEC, mayroong 16,433,308 rehistradong botante mula sa anim na mga rehiyon sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Hataw lalo sa Metro Manila ang 106 TRABAHO kung saan ito ay itinanghal na top 3 partylist.

Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN. Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.

Nitong kakatapos lamang na Labor Day, pinagtibay ng 106 TRABAHO Partylist ang kanilang adhikain na isulong ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, pati na rin ang kanilang patas na oportunidad sa trabaho.

Sa isang Labor Day greeting video ni celebrity host Melai Cantiveros-Francisco, tinalakay niya ang importansya ng pagkakaroon ng work-life balance, tamang sahod at benepisyo na siyang mga isinusulong ng 106 TRABAHO Partylist.(CJ/TRABAHO Press Release)

- Calbayog Journal, May 04, 2025

HOW DID THIS MAKE YOU FEEL?
MORE FROM THE JOURNAL 3 stories