Ngayong dumarami na ang mga Pilipinong napupusuan ang mga plataporma para sa kalidad ng trabaho, patuloy ang pag-angat ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, batay sa pinakahuling Stratbase-SWS National Survey para sa 2025 midterm elections.
Umakyat sa pwestong 22-23 na may 1.07% voter preference ang 106 TRABAHO Partylist ngayong Marso, mas mataas kumpara sa 0.96% noong Pebrero kung saan nasa ika-26 na pwesto ito.
Kapansin-pansing malaki ang iniangat ng TRABAHO Partylist subalit ika-54 hanggang 55 lamang ang grupo noong Disyembre 2024.
Welcome sa grupo ang naging resulta ng survey kung kaya’t naglabas na rin sila sa kanilang official page ng pasasalamat sa publiko.